jump to navigation

D. Halaga March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
add a comment

        Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutulong na malaman ng mga mambabasa kung ano ang maaaring mabuti o masamang epekto sa patuloy na paglaganap at paggamit ng teknolohiya. Dagdag pa rito, ay ang pagkilala sa mga Pilipinong imbentor na malaki ang naitulong sa atin at sa ating bansa.

Advertisements

C. Layunin March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
1 comment so far

        Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay tungkol sa industriya ng teknolohiya sa Pilipinas. Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin kung hanggang saan na ang nararating ng mga Pilipino pagdating sa teknolohiya. At upang maipakita rin kung anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa at kung paano maiugnay ang sarili bilang bahagi ng pagbabago-bago ng teknolohiya.

B. Rebyu / Pag-aaral March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
1 comment so far

Ang Pinoy IT Cooperative ay isang kooperatibang itinatag ng mga Filipinong dalubhasa sa larangan ng impormasyong pang-teknolohiya at nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa. Ang himpilan nito ay nasa Pilipinas.

Layunin nitong maabot ang pinakamataas na antas ng pagkilala ng buong mundo sa talento ng Filipino sa industriya ng impormasyong pang-teknolohiya, at iangat ang pamumuhay at karunungan ng mga miyembro nito sa naturang larangan sa isang antas na maipagmamalaki ng Pilipinas sa buong mundo.

Ang mga Filipinong miyembro ng kooperatibang ito ay dalubhasa sa larangan ng impormasyong pang-teknolohiya at mabubuting mamamayang may kulturang katangitangi at maipagmamalaki ng Pilipinas saan mang bansa dalhin.


A. Paglalahad ng suliranin March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
12 comments

 

            Anu-ano na nga ba ang naibahagi ng mga Pilipino sa teknolohiya at paano ito nakakatulong at nakakaapekto sa kanila?

 

Maraming Pilipino ang naging bantog pagdating sa teknolohiya. Malaki rin ang naging tulong sa atin ng teknolohiya, hindi lamang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. Mas napapadali ang ating pang-araw-araw na gawain sa paggamit ng teknolohiya. Ngunit, ang paglaganap nito ay may masamang epekto rin. Madaling maka-impluwensya ang paggamit ng teknolohiya, maaaring gamitin ito ng mga tao sa mabuti o masamang gawain.

tEkNoLoHiYa Sa MaKaBaGoNg PaNaHoN January 31, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in *Mabuhay!!!*.
Tags:
4 comments

Mabuhay!!! January 25, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in *Mabuhay!!!*.
Tags:
add a comment

Maraming salamat po sa pagbisita.

 

=) =) =) “kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka!!! hahaha!!!”(= (= (=