jump to navigation

salamat September 14, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in *Mabuhay!!!*, I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK, II. TEKNOLOHISTANG PINOY, III. KATAWAN, IV. Konklusyon.
12 comments

maraming salamat sa pagtingin sa blog na ito.

nakaktuwa naman na may naitutulong pa ang dating assignment lang din namin sa filipino 1.

sorry dun sa mga humihingi ng karagdagang impormasyon dahil hindi ko na po naaasikaso ito.

ung mga walang masabi dyan kundi mura lang…!!! God Bless You!!!

anong school nga pala kayo galing at anong subject niyo kinailangan ang mga impormasyong nakasulat dito???

Salamat

Konklusyon at Rekomendasyon March 19, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in IV. Konklusyon.
22 comments

Konklusyon:

            Bilang konklusyon, napatunayan ng mga mananaliksik na malaki ang kakayanan ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya, patunay rito ang mga pagkilala at paghihikayat ng pamahalaan na malinang pa ang mga kakayanang ito. Tunay nga na ang mga teknolohiyang ito ay nakatulong sa  pangaraw-araw na buhay ng mga Pilipino. Hindi lamang dito sa Pilipinas nakilala ang mga teknolohiyang ito kundi sa iba pang mga bansa.

 

Rekomendasyon.

            Ang Pilipino ay natural ng mahilig sa makabagong teknolohiya. Ngunit ano nga ba ang naging malaking papel ng mga Pilipino rito at ano ano ang mga epekto ng mga nagawang teknolohiya. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga mananliksik ang rekomendasyong ito.

            Nararapat lamang na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga nasabing teknolohiya para sa ikauunlad ng bansa.

A. ANO NGA BA ANG TEKNOLOHIYA? March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in III. KATAWAN.
50 comments

Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya)

 

 

Sa panahon ngayon, masasabing madaming bansa na ang high-tech.

Talamak ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito, mas napapadali ang ating mga gawain. Maraming uri ang teknolohiya at maraming gamit ang mga ito.

Ang teknolohiya ay nakakatulong sa mga paraang tulad ng:

· Teknolohiya bilang gamit

Ito’y mga gamit at makina na maaring tumulong sa ating gawain pagdating sa pag-aayos ng mga sirang gamit at paggawa ng mga produkto.

· Teknolohiya bilang teknik

Ito’y kasalukuyang antas ng ating kaalaman kung paano pagsasama-samahin ang mga materyales upang maka-gawa ng mga produkto, maka-tulong sa mga problema, at makamtan ang mga sariling pangangailangan at kagustuhan. Angkop dito ang mga teknikal na methods, skills, proseso, tekniks atbp. Ang mga halimbawa nito’y: computer technology, construction technology o medical technology.

B. EPEKTO NG TEKNOLOHIYA: Nakakatulong nga ba o nakakasama? March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in III. KATAWAN.
135 comments

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.

* Mga Positibong Epekto:

· Pag-unlad ng antas ng libangan

· Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan

· Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa

· Global Networking

· Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya

· Mas makakamura sa ibang paraan

* Mga Negatibong Epekto:

· Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao

· Maaaring gamitin sa karahasan

· Nakakasira ng kalikasan

· Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya

· Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon.

· Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

C. MGA PILIPINONG IMBENTOR AT KANILANG IMBENSYON March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in III. KATAWAN.
246 comments

Maraming Pilipino na ang kilala pagdating sa teknolohiya. Marami na silang naibahaging tulong pagdating sa larangan ng agham at teknolohiya at mga gamit na naimbento.

 

* ANU-ANO NGA BA ANG TEKNOLOHIYA SA ATING BANSA?

· Impormasyong Teknolohiya

 

Si Diosdado Banatao, taga-Iguig, Cagayan at nagtapos ng Electrical Engineering sa Mapua Institute of Technology sa Maynila. Siya’y nakapag-ambag ng 8 kontribusyon sa Information Technology.

 

Si Banaao ay mas kilala sa pagpapalalabas ng pinaka-unang single-chip graphical user interface accelerator na nagpabilis ng mga kompyuter. Tumulong din siya sa pag-developed ng Ethernet controller chip upang magkaroon ng Internet.

 

Noong 1989, pinangunahan niya ang konsepto ng local bus para sa mga personal computers at sa sumunod na taon, nag-developed siya ng pinaka-unang Windows accelerator chip. Sa ngayon, ang Intel ay ginagamit ang mga chips na diniveloped ni Banatao. Mayroong sariling kompanya na siya, ang Mostron and Chips & Technology, na naka base sa California’s Silicon Valley. (Filipinas Magazine)

 

· “Tubig Talino”

Ang Department of Science and Technology ay nag-developed ng tinatawag na “Tubig Talino”. Ito ay iodine-rich na iniinom na tubig na nagpapagaling sa mga may goiter, mental and physical retardation at birth defects. Ang halo nito ay 20 liters ng tubig at 15 ml ng “Water Plus + I2”. Ang pag-inom ng 5 baso sa isang araw ay nakakapagbigay sa katawan ng 120 micrograms ng iodine.

 

· Natural Gas Vehicle

 

Ang Department of Energy o (DOE) ay nag-developed ng sasakyan na tumatakbo gamit ang natural gas. Ang Natural Gas Vehicle (NVG) ay road-tested sa Isabela, kung saan may sariling natural gas supply na galing sa PNOC Gas Plant. Ang sasakyang ginamitan ng natural gas ay Isuzu Hi-Lander 4JA-1. Ang paggamit ng natural gas ay mas matipid at mas mura. Milyon-milyong NVGs na ang nagkalat sa buong mundo ayon sa International Association for Natural Gas Vehicles.

 

 

 

 

* Mga kinikilalang Pilipino pagdating sa teknolohiya:

· Angel Alcala – nag-imbento ng artifical coral reefs na ginagamit sa pangingisda sa Southeast Asia.

· Dr. Abelardo Aguilar – naka-diskubre ng antibiotic na, Erythromycin

· Benjamin Almeda – nag-imbento ng food-processing machine.

· Ramon Barba – nag-imbento ng practical flower induction treatments.

· Dr. Benjamin Cabrera – nag-developed ng mga gamot para sa sakit na sanhi ng lamok at agricultural soil.

· Paulo Campos – gumawa ng pinaka-unang radioisotope laboratory sa Pilipinas.

· Edward Caro – tumulong sa paglunsad ng Shuttle Radar Topography Mission

· Rolando De La Cruz - nag-imbento ng anti-cancer skin cream.

· Rolando dela Cruz – naka-imbento ng formula para sa pagtanggal ng mga nunal at warts

· Dr. Fe Del Mundo – nag-imbento ng incubator at jaundice relieving device.

· Roberto Del Rosario – nag-imbento ng Karaoke Sing Along System.

· Daniel Dingel – inaangkin niya na siya ang nag-imbento ng water-powered car.

· Agapito Flores – nag-imbento ng fluorescent lamp

· Pedro Flores – pinaka-unang taong naglabas at gumawa ng yo-yo sa USA

· Francisco Fronda – kinikilalang “Father of poultry science in the Philippines

· Rudy Lantao Sr. – nag-developed ng Super Bunker Formula-L, rebolusyonaryong gas na may kalahating tubig

· Hilario Lara – tumutulong sa pagtayo ng National Research Council of the Philippines

· Dr. Viligio Malang – nag-imbento ng mga produkto o gamit para sa feminine hygiene. Ito ang mga sumusunod: Psidium Guajava Effervescing Gynecologcal Insert, Patient Side-Turnng Hospital Bed, external vaginal cleanser, light refracting earpick at broom’s way of hanging.

· Felix Maramba – gumawa ng coconut oil-fueled power generator

· William Padolina – nagserbisyo bilang Secretary ng Department of Science and Technology sa Pilipinas

· Eduardo Quisumbing – kinikilala bilang isa sa mga eksperto sa medicinal plants sa Pilipinas

· Francisco Quisumbing – nag-imbento ng Quink pen ink

· Jose Rodriguez – nag-imbento ng methods of controlling leprosy

· Eduardo San Juan – nagtrabaho sa grupo ng nag-imbento ng Lunar Rover or Moon Buggy

· Edgardo Vasquez – nag-developed ng modular housing system o tinatawag na Vazbuilt

· Gregorio Zara – nag-imbento ng videophone at nag-developed ng Zara Effect o Electrical Kinetic Resistance

IBA PANG MGA PILIPINONG IMBENTOR:

· Teodula Afrika – nata de coco

· Ramon Agpoon – dragon fire stove

· Adriano Alfonso – cultured cement

· Laurelio Anasco – “dormitron”

· Arturo Baluyot – Philippine-made airplane

· Guillermo Barredo – Maharlika water heater

· Pelagio Bautista – hydrosil

· Dr. George Camara – sa mga experimento ng teleophthalmology

· Carlos Casas – stand-alone amplifier na tinatawag na Voca CDX 1001 Superamp

· Gonzalo Catan Jr. – green charcoal

· Roberto Celis – multipurpose portable survival kit

· Rolando Cruz – emergency water heater

· Ernesto Darang – shake-and-serve nurser

· Armen Dator – magic street sweeper

· Maria Carlita Rex Doran – ampalaya solution laban sa HIV

· Jaime Escolano – fiber-processing machine

· Pepito Fajicular – multipurpose routing machine

· Leonardo Gasendo – salt evaporator

· Ramon Gustilo – artificial bone replacement systems

· Oscara Ibarra – sa pag-aaral ng algorithm at computing

· Samuel Ignacio – early warning device para sa mga sasakyan

· Marc Loinaz – one-chip video camera

· Jacinto Ledesma – rocking dental chair

· Cipriano Lim – safety switch box

· Dr. E. V. Macalalag Jr. – universalurinary stone solvent

· Antonio Madrid – charcoal furnace

· Jose Navato – digital fever detector

· Maria Ylagan Orosa – nag-developed ng banana catsup at pineapple vinegar

· Felipe Santillan – rotary dryer

· Cornelio Seno – “Pressure Fuild Machine”

· Manuel Silos – siloscope

· Juanito Simon – Tribotech

· Camilo Tabalba – telephone electronic

· Ned Teves – endotracheal tube cardiac monitor

· Juan Urbano – fountain pen

· Carmen Velasquez – research sa Philippine fish species

(http://www.txtmania.com/trivia/inventions.php)

(http://inventors.about.com/od/filipinoscientists/Filipino_Inventors_and_Filipino_Scientists.html)

II. TEKNOLOHISTANG PINOY March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in II. TEKNOLOHISTANG PINOY.
2 comments

Sa panahon ngayon, masasabing madaming bansa na ang high-tech.

Talamak ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito, mas napapadali ang ating mga gawain.

Madami nang naimbento ang mga Pilipino. Maraming Pilipino ang naging bantog pagdating sa teknolohiya. Malaki rin ang naging tulong sa atin ng teknolohiya, hindi lamang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. Ngunit, ang paglaganap ng teknolohiya ay may mabuti at masamang epekto sa atin.

H. Daloy ng Pag-aaral March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
7 comments

            Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tunkol sa teknolohiya. Ang kahulugan ng teknolohiya at sakop nito ay kabilang rito, pati na ang  gamit ng teknolohiya sa tao at sa iba pang mga bagay.

           

Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tumatalakay sa mga kontribusyon ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya. Ipinaliwanag dito ang mga teknolohiyang mayroon sa ating bansa at kung paano ito napalawak pa. Nasasaad din dito ang pagkilala sa mga taong malaki ang naitulong upang lalo pang mapaunlad ang teknolohiya sa ating bansa.

 

Ang huling parte ng pananliksik ay nakasentro sa totoong epekto ng makabagong teknolohiya sa bawa’t indibidwal. Ipinakikita rito ang mabubuting epekto na sadya nga namang nakatulong sa ating pangaraw-araw na buhay at maging ang mga negatibong bagay na nakaapekto rin sa atin.

G. Saklaw / Delimitasyon March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
3 comments

        Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa teknolohiya ng Pilipinas. Sakop nito ang mga naimbento ng mga Pilipino, mga epekto at ang makabagong teknolohiya.

F. Metodolohiya March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
5 comments

        Kumuha ang mga mananaliksik ng mga impormasyong galing sa online references upang makapagdagdag ng impormasyon at maka-tulong sa pagsuporta ng pananaliksik na ito. May sariling opinyon din mga mananaliksik tungkol sa pananaliksik na ito.

E. Teoretikal na Balangkas March 18, 2008

Posted by teknolohistang pinoy in I. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK.
30 comments

balangkas.jpg

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.